Final na Repleksyon: NSTP at IE?

    

Source: https://sea.mashable.com/social-good/14877/filipino-artist-uses-recycled-trash-to-make-beautiful-paintings-and-fight-waste


Galing sa isang kurso na ang pinagtutuunan ng pansin ang mga konsepto ng "efficiency and productivity",  madaling mabulag at tuluyang makonsumo ng layunin na dagdagan ang kita sa pamamagitan ng pagdami ng produksyon at pagbawas sa mga bagay na walang halaga (o waste).


Kung tatalakayin lamang ang mga ito mula sa perspektibo ng mga balance sheets, maraming mga paktor na hindi masasagap o mairerepresenta ng mga numero lamang. Mula sa Modyul 6 ng NSTP, sa pamamahala at mitigasyon ng sakuna, mayroong mga ibang kailangan isipin tulad ng epekto ng mga operasyon sa kalikasan. Ito ay tinatalakay din sa Econ 11 bilang mga "social cost" at "externalities". Ang mga ito'y lubos na nilalapat ng NSTP sa mas konkretong pagpapakita ng epekto ng mga hindi responsableng pagplano ng mga ganitong operasyon sa mga bayan at tao. Bilang isang pang industriyang inhinyero, mahalagang mas bigyan pansin ngayon hindi lamang ang efficiency and productivity, ngunit ang sustainability din. Sabi nga sa kaso ng Oposa v. Factoran, "we owe it to the generation yet unborn", o sa mga magiging mga anak, apo, at mga apo pa nila.

Responsibildad naming gumawa ng mga proyekto na wala masiyadong sayang, at siguaraduhing ang mga proyektong ito ay hindi nanakawan ang mga susunod na henerasyon ng mga biyaya na ipinapagkakaloob ng kalikasan. Higit pa rito ay maaring gumawa ng mga batayan sa aking industriya na hango sa mga lokal na nakasanayan ng mga gawain. Sa ngayon ay karamihan ng mga itinituro sa IE ay hango sa mga pandaigdigang pamantayan tulad ng pagseserpitika sa ISO. Hindi ko sinasabing ito'y dapat ipagsawalang bahala, ngunit dapat higit pa rito ay gumawa tayo ng mga pamantayan na angkop at makakatulong sa mga lokal na pamanayanan at mga tauhan tulad ng mga Indigenous People.

 Hindi nga tumutubo ang pera sa puno, ngunit sa puno naman mismo nanggaling ang pera. 

Comments

Popular posts from this blog

Module 7 Repleksyon: Proteksyon ng Kalikasan

Modyul 5 Repleksyon: Pagsasanay sa Pagkamamamayan