Modyul 5 Repleksyon: Pagsasanay sa Pagkamamamayan

Sanggunian: https://www.vecteezy.com/free-vector/school"

Bilang mga mag-aaral na tumatamasa sa libreng edukasyon na dulot ng buwis ng ating mga kapwa Pilipino, para kanino nga ba dapat ang ating edukasyon at pinag-aaralan? Kung ibabatay natin sa kung sino ang mga "sponsor" natin, madaling sabihin na dapat para sa ating mga kapwa Pilipino din ang puno't dulo ng ating mga hangarin.


Ngunit, sa tingin ko'y hindi sapat ang paglaan ng estado ng buwis ng mamamayan upang tustusan ang gastusin ng ating pag-aaral para sabihing para din lamang sa estado at sa ating mga kapwa Pilipino ang ating pagsusumikap. Mas malalim pa dapat kaysa sa transaksyunal na konseptong ito. Higit pa sa libreng edukasyon ay ang pagkupkop at pagtamasa natin ng ating pangkat na kinabibilangan, ang pagbigay sa atin ng estado ng tahanan at komunidad, ang karapatan at pribilehiyo na tawagin natin ang ating mga sarili na Pilipino.


Ang pagalala sa mga bayaning nagbuwis ng kanilang mga buhay upang makamtam natin ang "kalayaan", na bagama't hindi lubos, ay sapat upang makapili tayo kahit papano para sa ating mga sarili. Mula dapat rito nangagaling ang layunin nating magsilbi at tumulong sa ating mga kapwa Pilipino, kahit na anong pagkasakim at ganid ng naghaharing-uri. Bagkus, may karapatan din ang estado na maglaan ng mga programang sisigaruduhing kayang pagsilbihan ng kanyang mga mamamayan ang Inang Bayan para sa mga pagkakataong kinakailangan niya ang mga ito. Hindi maaring tayo'y maging mga tambay lamang, mga palamunin na walang maibibigay pabalik sa Inang Bayan. Ito'y utang ng loob natin sa kanya, sa ating mga sarili, sa ating mga kapwa Pilipino, at higit sa lahat, sa mga henerasyon ng kabataang hindi pa pinapanganak. Tungkulin nating payamanin at siguraduhing sila'y lalaki sa isang Pilipinas na mas may malasakit at pag-aaruga kumpara sa Pilipinas na mayroon tayo ngayon. Sa dami-rami ng mga teorya at diskusyon na mayroon tayo sa loob ng silid-aralan, nararapat lamang na maisapraktika nating ang mga ito para umunlad ang ating bayan. Sapagka’t ang teorya na walang kaakibat na paggalaw ay patay na teorya lamang.


Comments

Popular posts from this blog

Module 7 Repleksyon: Proteksyon ng Kalikasan

Final na Repleksyon: NSTP at IE?