Modyul 4 Repleksyon: Kaunlarang Pangkasarian

    

Sanggunian: https://fma.ph/today-herstory-women-malolos/

Kinakailangan ng matinding pag-unawa at paglawak ng kamalayan upang makamit ang hangarin ng makabuluhang pag-unlad ng mga kababaihan. Base sa RA 9710, ang mga kababaihan ay mga aktibong aktor sa pag-unlad na ito, at hindi lamang mga pasibong tagatanggap ng tulong. Mayroon silang tungkulin na magbuklod-buklod bilang mga babae at makilahok sa mga pulitikal na proseso upang higit na maitatag ang kanilang mga karapatan. Hindi nangangahulugan na ito’y laban ng babae lamang; ang mga kalalakihan ay may tungkulin din na tulungan at ipaglaban ang mga adhikain ng mga babae. 


Ngunit, kailangan ito magsimula sa pagkaintindi at pag-unawa sa mga karahasan na dulot ng patriyarkal na sistema at “macho-feudal” na istrutuka na mayroon tayo sa kasalukuyan. Ito’y isang pagsubok, sapagkat ang tao ay likas na nagiging mapagtanggol sa mga aksyon at gawain niya, lalo na kung hindi niya nakikita at nauunaaan ang mga kamalian ng kanyang nakasanayan. Matapos lamang palawakin ang isip, at maamin niya sa kanyang sarili ang mga karahasang naidulot ng mga sistemang ito ay doon pa lamang niya masisimulang tulungan ang mga kababaihan, at lahat ng ibang uri na kaakibat ng kilusang peminismo. 


Importante rin ang pagwasak sa dikotomong kaisipan na may dalawang uri lamang - lalaki at babae. Sabi nga sa modyul na ito na ang katawan ay isang “political arena”, at ang pagkahon sa mga konsepto nito ay tanging pagpapalakas lamang sa mga naghaharing uri na may hawak sa atin. Sabi rin dito na ang pag-unlad ay hindi lamang isang ideyalistang pagbabago mula baba paitaas, ngunit isa ring malumanay na pagkaunawa mula itaas paibaba. Lubos kong nagustuhan ang analohiyang ginamit na ang pag-unlad ay parang isang puno, kinakailangan na may matatag na ugat sa baba, at malagong mga dahon sa itaas na nagbibigay lilim.


Comments

Popular posts from this blog

Module 7 Repleksyon: Proteksyon ng Kalikasan

Final na Repleksyon: NSTP at IE?

Modyul 5 Repleksyon: Pagsasanay sa Pagkamamamayan