Module 7 Repleksyon: Proteksyon ng Kalikasan
Sanggunian: https://drybrush.com/artworks/owie-balita/gift-of-nature-series-1 Nakakaaliw isipin na ang mga paraang itinuro sa akin noong ako’y nasa mababang paaralan palamang tulad ng pagpatay ng gripo habang nagsisipilyo, pag-iwas sa paggamit ng mga plastik straws , at muling paggamit ng materyales para sa pagreresiklo ay mayroon lamang napakaliit na epekto sa pagprotekta sa kalikasan. Tila binigyan tayo ng isang ilusyon na ang mga indibidwal na mga gawain natin ay ang pinaka sanhi ng pagkawasak ng ating pinakamamahal na kalikasan. Isa itong napakalaking ginhawa sa mga korporasyon at institusyon na maipasan natin ang kanilang mga pagkukulang, sapagka’t kung tutuusin ay kahit ilang beses natin patayin ang ating mga gripo, o di kaya’y iwasan ang paggamit ng plastic at magresiklo ay hindi parin nito mapupunan ang epekto ng kanilang mga operasyon na isinasagawa tulad ng pagmimina at labis na pag-gawa ng mga produkto. Bagkus, kailangan din natin isipin kung bakit a...
Comments
Post a Comment