Final na Repleksyon: NSTP at IE?
Source: https://sea.mashable.com/social-good/14877/filipino-artist-uses-recycled-trash-to-make-beautiful-paintings-and-fight-waste Galing sa isang kurso na ang pinagtutuunan ng pansin ang mga konsepto ng " efficiency and productivity", madaling mabulag at tuluyang makonsumo ng layunin na dagdagan ang kita sa pamamagitan ng pagdami ng produksyon at pagbawas sa mga bagay na walang halaga (o waste). Kung tatalakayin lamang ang mga ito mula sa perspektibo ng mga balance sheets, maraming mga paktor na hindi masasagap o mairerepresenta ng mga numero lamang. Mula sa Modyul 6 ng NSTP, sa pamamahala at mitigasyon ng sakuna, mayroong mga ibang kailangan isipin tulad ng epekto ng mga operasyon sa kalikasan. Ito ay tinatalakay din sa Econ 11 bilang mga "social cost" at "externalities" . Ang mga ito'y lubos na nilalapat ng NSTP sa mas konkretong pagpapakita ng epekto ng mga hindi responsableng pagplano ng mga ganitong operasyon sa mga bayan at tao. Bilang isa...